Linggo, Enero 29, 2012

Ang pag-ibig ay...

Lahat ng bagay ay may layunin. At sa bawat layunin may resultang maaaring inaasahan or hindi.

Tanong ko lang, ano nga ba ang layunin ng pag-ibig?


Sa aking kaalaman, ang pag-ibig ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa pagkatao ng isang indibidwal. Ito rin ay maaaring maging instumento ng pagkakaisa at kapayapaan hindi lamang sa pagitan ng dalawang indibidwal kundi maaari ring sa sangkatauhan. Ngunit bakit may pag-ibig? Dahil ito ang nag-uugnay sa bawat isa at nagiging dahilan upang tayo ay magkaroon ng relasyon ng may pagmamahal. Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay isang masidhing damdamin, sinasabing maraming kahulugan ngunit mas mainam na ito'y mararamdaman upang malaman mo kung ano ang pag-ibig. Napakahalaga ng pag-ibig sapagkat kung wala ito ay hindi mabubuo ang pagkatao at pagiging nilalang kung walang pag-ibig. Hindi ka matatawag na tao kung hindi ka nang galing sa pag-ibig, ginawa nang may pag-ibig, at namuhay ng puno ng pag-ibig. Kahit ang pinakamahirap na tao sa mundo ay nakakadama ng pag-ibig o di kaya'y ang pinakamasamang tao ay may pag-ibig na natitira sa puso nito. Hinid mahalaga kung ano, sino, paano at gaano kasakim ang isang tao, kung ito'y marunong at may pag-ibig sa puso, tiyak posible at magagawa nito ang lahat-lahat. Sa bibliya, Juan 3:16 nagsasabing "For God so loved the world that He gave His only begotten Son, whoever believes in Him shall not perish but have eternal life." Ang pag-ibig ng Diyos ay wagas at walang pasubali, walang hinihinging kapalit, walang limitasyon, walang kinikilalang katayuan sa buhay, walang pinipili at maging ang kanyang bugtong na anak ay handang isakripisyo para sa ikakaligtas ng sangkatauhan.
Ito ang pinakamabuting halimbawa kung ano ang layunin, bakit, sino, paano at ano ang kahalagahan ng pag-ibig. Ngunit, nararapat lamang na magsimula tayo sa maliit. Mahalin muna natin ang ating sarili upang tayo rin ay makapagbigay ng pagmamahal sa iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento