Lunes, Enero 30, 2012

Kadalasang nagagamit sa isang pangungusap na mali ang kahulugan.

Ito ay isang komposisyon gamit ang mga karaniwang salita na minsa'y nagagamit natin ng mali. 
Tulad ng: may, mayroon, subukin, subukan, pahirin, pahiran, operahin, operahan, iwan, iwanan, sundin, sundan, tungtong, tuntong, at tunton.


Halina't basahin at nawa'y magusutuhan ninyo ang aking komposisyon :">


Isang Magiliw na Mananayaw



May kanya-kanyang kwento ang bawat isa sa atin. May mga gawaing nagsasalamin sa kung ano tayo sa mundo at kung ano ang ating pagkatao. Ako, simple lang ang gusto ko at iyon ay ang sumayaw.

May hilig ba kayo sa pagsasayaw? Kung mayroon, halina't ibabahagi ko ang aking kwento.

Ang buhay ng isang mananayaw ay hindi madali. Tulad ko, marami kaming pinagdadaanan, kumabaga proseso. Sa pagsasayaw susubukin ang iyong abilidad, pisikal na kakayanan at katatagan. Sa pagsasayaw rin ninyo masusubukang gumalaw gamit ang buong katawan nang tuloy-tuloy sa loob ng isang kanta o di kaya'y musika. Sa bawat pag indak, at pag galaw ay pawis ang katumbas nito na dapat pahirin upang hindi matuyo at magkasakit. Tuwing hapon ito ang aming pinagkakaabalahan. Pagkatapos ng pag-eensayo ay oras na sa pag-uwi, sabik na sabik ako dahil alam ko gayundin ang aking mga magulang na naghihintay sa aking pag-uwi. Magbibihis ng damit at sapatos, aayusin ang gamit at papahiran ng polbo ang mukha na halatang pagod at saka na magsisiuwian sa kanya-kanyang tahanan.

Araw-araw kaming ganito, nag-eensayo upang maging mas mabuti at magaling na mananayaw. Ngunit hindi natin hawak ang pagkakataon. Hindi maiiwasan na may mga aksidenteng mangyari kahit pa tripleng ingat ang aming ginagawa. Ako ay nahulog habang pinapasan ng aking mga kasama. Nabali ang aking paa at agad naman akong dinala sa malapit na pagamutan, at doon nalamang kailangan daw akong operahan. Ooperahin ang aking kanang paa sa lalong madaling panahon upang maisaayos ang buto at hindi lumala. Napaiyak ako dahil alam kong matatagalan at kailangang paglaanan ng mahabang panahon upang ako ay maging mabuti at makapagtanghal nang muli sa harap ng madla. Ngunit ang aksidenteng nangyari ay naging mitsa ng aking pagiging isang mananayaw. Abot hanggang langit ang galit at pagkasuklam ng aking mga magulang sa aking pagsasayaw. Pinagbawalan at pinaghigpitan ako ng aking mga magulang sa aking pagsasayaw. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap lang maglalaho ang lahat-lahat nang aking pinaghirapan. Sa napakaraming taon, ginugol ko ang aking oras sa pagsasayaw bukod sa aking pag-aaral. Iiwan ko na ang mundo ng pagsasayaw. Iiwanan ko na rin ang responsibilidad ko sa aking mga kasama. Wala na akong magagawa pa dahil iyon ang gusto ng aking mga magulang. Susundin ko na lamang ang nais nila kesa dagdagan ko pa ang kanilang pasanin. Ang lahat-lahat nang aking mga pangarap ay magugunaw. Ang yapak ng aking mga tiya na balak kong sundan ay hindi ko na kailanman magagawa. Malabo na ang bakas ng daang nakalaan para sa isang mananayaw na tulad ko kung kaya't ito ay mahirap nang tuntunin. Ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay ang pagtuntong sa aking mga magulang na sa kabila ng lahat ay nariyan parin sa aking tabi.

Sa pagkalam ng aking tiyan bubuksan ang kaldero na sisidlan ng mga ala-alang kailanman hindi na mauulit muling ilalagay ang tungtong nito upang matakpan at kasabay nito ay ang pagsara ng aking pinto bilang isang magiliw na mananayaw.

1 komento: